PI 100 FINAL EXAM

pi 100 temp

PANGKALAHATANG PANUNTUNAN / INSTRUCTIONS:

A. Sagutin ang hinihiling ng bawat tanong. 100 points ang total. Nakalagay sa bawat numero ang puntos.

B. Sumagot sa wikang pinaka-komportable ka (Filipino man o English, o halo).

C. I-email ang inyong mga sagot hanggang July 25, 2016, Monday, 11:30pm sa sirmykelandrada@gmail.com. Ang mga late submission ay magkakaroon ng karampatang deduction.

D. I-email ang mga sagot bilang email text, at HINDI bilang word o PDF document. Uulitin ko, i-email lang bilang text at HINDI bilang attachment.

E. Ilagay sa subject ng email ang PANGALAN – PI 100 FINAL EXAM. Halimbawa: MYKEL ANDRADA – PI 100 FINAL EXAM.

F. Salamat and God bless!:)

 

MGA TANONG:

1. Ano ang pagkakaiba ng kasaysayan at historiograpiya? Batay sa mga sanaysay na binasa sa klase, paano natin itutuwid (itatama, correct, rectify) Philippine history and historiography? (10 points)

 

2. Bakit sinabi ni Renato Constantino na “Limited Filipino” si Jose Rizal Ipaliwanag. Limitadong Pilipino ka rin ba tulad ni Rizal? Paano mo nasabi ito? Maging honest at ipaliwanag. (10 points)

 

3. FUTURISTIC RIZAL. Rizal “predicted” or “drew a picture” of Philippine life and society in his essay, “The Philippines A Century Hence.” Despite his being a “limited Filipino,” Rizal genuinely loved and served his country and our people. You maybe a present-day Jose Rizal. Write your own version of the Philippines a century from now. Limit your essay to around 500 words. (20 points)

kpl rizal

 

4. RIZAL BILANG IDOLO NG KABATAAN. Isa sa sinasabing idolo o ehemplo ng mga kabataan ay si Jose Rizal. Gumawa pa ng kanta si Francis Magalona na pinamagatang “Idol Ko Si Rizal”. SURIIN ang nasabing kanta gamit ang mga napag-aralan natin sa klase hinggil sa pagkabuo ng bayani at nasyonalismo. Magpokus sa konsepto ng (A) Hero Worship at (B) pananaw ng kanta hinggil sa rebolusyon. (20 points)

Maaaring pakinggan rito –> https://www.youtube.com/watch?v=NtfAlhZ6CSA at nasa ibaba ang lyrics:

IDOL KO SI RIZAL (ni Francis M)

May kuwento ako sa inyo
mga ‘tol, woh
Kuwento ng isang bayaning Pinoy, hoy
Makinig ka, dinggin
Jose ang kanyang pangalan
At nang siya’y barilin sa Bagumbayan
Nagising sa katotohanan ang ating bayan

Malaya, ‘di alipin
Mapayapa’t ‘di marahas
Kalayaan daw ay walang katumbas
Matapang, ‘di duwag
Bayani’t may dangal
Panulat ang pinairal ni Gat Jose Rizal

Kadugo, kakulay
kayumangging katulad ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko

Talino ang sandata nitong makata
Pintor, doktor at guro ng mga bata
Nasa Noli at nasa Fili
lumaban siya hanggang sa huli
Nasa Noli at nasa Fili
lumaban siya

Kaibigan, kapatid,
kababayan nating lahat
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko

Sana ako
Sana tayo
Tularan ng ating mundo
Tunay na bayani ang taong ito
Lumingon sa pinanggalingan
tumingin sa paparoonan
Mga bagong bayani ng ating bayan

Kadugo’t kakulay
kayumanggi, kaibigan
Kapatid at gabay
Bayani ang titulo

Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Jose
kasi siya’y bayani
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko

Si Rizal ang idol ko
Si Rizal ang idol ko
Si Rizal ang idol
Rizal ang idol
Rizal ang idol ko!

 

5. SA MGA KABABAYANG SANG’GRE NG ENCANTADIA. Sumulat si Jose Rizal sa mga kababayang dalaga ng Malolos. Ikaw naman ang susulat ngayon. Sumulat ka ng liham para sa mga Sang’gre ng Encantadia. Malaya ka sa pagsusulat. Dalawa lamang ang hiling ko: (A) Tandaan na isang kaharian ang Encantadia at ang mga Sang’gre ay mga mandirigma na may iba-iba ideolohiya at politika, at (B) Isaisip na ang Encantadia ay ang Pilipinas. (20 points)

encantadia-costumes_8091B9DE18B6495CBF6323FC473F8111

 

6. Binanggit ni Andres Bonifacio at ng Katipunan ang mga halimaw (jalimao) noong panahon ng kolonyal na pananakop ng mga Kastila. Sa kasalukuyan, ipaliwanag isa-isa kung bakit ang Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo ang mga jalimao ng kasalukuyang malakolonyal at malapyudal na Pilipinas. (20 points)

ibp

 

MARAMING SALAMAT, ALL THE BEST AND GOD BLESS! 🙂

 

PI 100 SELFIE

PI 100 MIDYEAR 2016 CLASS SELFIE. Halos kumpleto ito. Yes, nagkasya tayo sa picture, hehe. Padayon! 🙂

 

 

Advertisements

FIL 40 FINAL EXAM

Fil 40 Finals Temp

PANGKALAHATANG PANUNTUNAN / INSTRUCTIONS:

A. Sagutin ang hinihiling ng bawat tanong. 100 points ang total. Nakalagay sa bawat numero ang puntos.

B. Sumagot sa wikang pinaka-komportable ka (Filipino man o English, o halo).

C. I-email ang inyong mga sagot hanggang July 25, 2016, Monday, 11:30pm sa sirmykelandrada@gmail.com. Ang mga late submission ay magkakaroon ng karampatang deduction.

D. I-email ang mga sagot bilang email text, at HINDI bilang word o PDF document. Uulitin ko, i-email lang bilang text at HINDI bilang attachment.

E. Ilagay sa subject ng email ang PANGALAN – FIL 40 FINAL EXAM. Halimbawa: MYKEL ANDRADA – FIL 40 FINAL EXAM.

F. Salamat and God bless! 🙂

 

MGA TANONG:

1. Ano-ano ang pagkakaiba ng tatlong dimension ng wika: IDIOLECT, DIALECT AT SOCIOLECT? (5 points)

2. Ipaliwanag ang THREE LEVELS OF READING A TEXT. (5 points)

3. Sa READER RESPONSE THEORY, bakit sinasabing makapangyarihan ang mambabasa? Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa. (10 points)

4. POLITIKA NG WIKA AYON KAY VALENTIN VOLOSINOV

A. Gamit ang napag-aralan natin, ipaliwanag ang teorya ng politika ng wika ni Valentin Volosinov. (5 points)

B. Suriin ang editorial cartoon na ito gamit ang teorya sa politika ng wika ni Volosinov. (15 points)

 

5. Suriin ang larawan na ito ng mga Sang’gre ng Encantadia 2016 ng GMA 7 batay sa mga konteksto ng kasarian, politika, lahi, kultura at kasaysayan. Tandaan na ito ay isang fantaseryeng Pilipino. (20 points)

encantadia-sanggres1

 

6. KAPANGYARIHAN NG BISWAL NA WIKA (VISUAL LANGUAGE). Sumulat ng sariling tula (Filipino, English o sa inyong wikang rehiyonal, basta lagyan ng translation sa Filipino o English) gamit na inspirasyon ang larawan sa ibaba. HUWAG KALIMUTANG LAGYAN NG PAMAGAT ang iyong tula. Ito ay mural sa BGC (Bonifacio Global City) na pinamagatang “Magsasaka” nina Archie Oclos at Aleili Ariola Oclos. (20 points)

13737734_10207015190083069_6599435056042735880_o

“MAGSASAKA.” Larawan ng mural mula kina Archie Oclos at Aleili Ariola Oclos. May 2016.

 

7. KUWENTO. Sumulat ng isang maikling kuwento / short story gamit ang mga tauhang may pangalan na “Ideolohiya,” “Wika,” “Politika” at “Lipunan.” Sila ang magiging mga tauhan mo. Ang haba ng kuwento? Approximately 500 words. Kung gusto mong magdagdag ng iba pang tauhan ay okay lang. Ikaw ang bahala kung anong wika ang gagamitin mo. Kung magpasiya ka na sumulat sa wika ng iyong rehiyon, na ine-encourage ko, magsama lang ng translation. (20 points)

 

ALL THE BEST AND GOD BLESS! 🙂

FIL 40 SELFIE

FIL 40 MIDYEAR 2016 SELFIE. Umalis na kasi ang iba kaya hindi kumpleto. Pero hindi ko kayo makakalimutan! All the best and God bless! 🙂

 

 

 

PI 100 SYLLABUS AT READINGS

pi 100 banner

I-click ang sumusunod para sa syllabus at readings sa PI 100. Enjoy! 🙂

  1. PI 100 Syllabus
  2. MKLRP
  3. Alfred McCoy An Anarchy of Families
  4. Jose Maria Sison – Cultural Imperialism in the Philippines
  5. Jose Maria Sison – Imperyalismong Pangkultura sa Pilipinas
  6. Andres Bonifacio – Mararahas na mga Anak ng Bayan
  7. Ang mga Ualang Auang Jalimao – Ramon Guillermo
  8. Apolinario Mabini – Ang Tunay na Sampung Utos nang Dios
  9. Emilio Jacinto – Liwanag at Dilim
  10. Jose Maria Sison – Tasks of the Second Propaganda Movement
  11. Jose Maria Sison – Tungkulin ng Ikalawang Kilusang Propaganda
  12. Jose Rizal – Ang Pagong at ang Matsing
  13. Jose Rizal – Annotations to Morga’s Sucesos
  14. Jose Rizal – Mariang Makiling
  15. Jose Rizal – Paalala sa mga Mapagusapin
  16. Jose Rizal – Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos
  17. Jose Rizal – The Indolence of the Filipino
  18. Jose Rizal – The Philippines A Century Hence
  19. Marcelo H. Del Pilar – Dasalan at Tocsohan
  20. Mga Tula ni Jose Rizal
  21. Ramon Guillermo – A German Travels to the North in 1878
  22. Renato Constantino – The Miseducation of the Filipino
  23. Renato Constantino – Veneration Without Understanding
  24. Resil Mojares – The Formation of Filipino Nationality under US Colonial Rule
  25. Resil Mojares – Writing About Ourselves
  26. Rizal’s Own Story of His Life
  27. Tan Malaka – Ke Taman Manusia – Tungo sa Hardin ng Tao
  28. Vicente Rafael – Confession, Conversion, and Reciprocity in Early Tagalog Colonial Society

PHIL STUD 12 FINAL EXAM

PANGKALAHATANG PANUNTUNAN / INSTRUCTIONS:

A. Sagutin ang hinihiling ng bawat tanong. 100 points ang total. Nakalagay sa bawat numero ang puntos.

B. Sumagot sa wikang pinaka-komportable ka (Filipino man o English, o halo).

C. I-email ang inyong mga sagot hanggang May 27, 2016, Friday, 11:30pm sa sirmykelandrada@gmail.com. Ang mga late submission ay magkakaroon ng karampatang deduction.

D. I-email ang mga sagot bilang email na text, at HINDI bilang word o PDF document. Uulitin ko, i-email lang bilang text at HINDI bilang attachment.

E. Ilagay sa subject ng email ang PANGALAN – PHIL STUD 12 FINAL EXAM. Halimbawa: MYKEL ANDRADA – PHIL STUD 12 FINAL EXAM.

 

MGA TANONG:

1. Ano ang ibig sabihin ng salitang politika? Ipaliwanag at suriin ang politika sa larawan sa ibaba. (5 points)

????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????

2. Panoorin ang video advertisement na ito ng Nestle Philippines para sa kanilang ika-100 taong anibersaryo. I-click ito: Nestle 100. (a) Tungkol saan ang patalastas na ito? Gumawa ng summary o gist, yung maikli lang talaga please. (b) Ano ang naramdaman mo habang pinapanood ang commercial na ito? Yung honest a! (c) Ipaliwanag kung paano ginamit ang subkultura ng pag-ibig at pamilya para sa pagbebenta ng kapitalistang Nestle. (d) Paano nagiging politikal ang konsepto ng personal na pag-ibig sa senaryo ng Nestle? (20 points)

3. Ano ang imperyalismo? Paano naipapahiwatig ang imperyalismo sa larawan sa ibaba? (10 points)

what's wrong with this pic?

4. Tingnan ang larawan sa ibaba, ang “Alinlangan” (1996) ni Boy Dominguez. Pagmunihan ang larawan at sumulat ng isang tula ng inyong reaksyon, repleksyon o suri sa nasabing painting. (15 points)

Alinlangan (1996) by Boy Dominguez

5. Ano ang ibig sabihin ng terminong “alienation” bilang isang socio-economic at political na konsepto? Ipaliwanag at suriin ang alienation sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga politika ng mga magkakaibang larawang ito na may kinalaman sa Tanduay. (20 points)

tanduay-ice-nahice-promo

so good tanduay

Roxee-Barcelo-is-Asia-Brewery-Cover-girl

tanduaystrike1

Maari ring tingnan ang iba pang larawan ng mga naka-welgang manggagawa ng Tanduay sa link na ito: WELGISTA.

6. Fan Fiction. Maraming intertext sa larawan sa ibaba. Dagdagan pa natin ng intertext: Gamit na  intertextual persona / narrator si Nagmalitung Yawa, gumawa ng isang maikling kuwento (100 to 200 words only) gamit ang mga tauhan na nasa larawan. (15 points)

What-s-wrong-with-this-picture-disney-princess-31646681-554-447

7. Tukuyin, ipaliwanag at suriin ang continuum sa tatlong akda sa ibaba. (15 points)

coke aguinaldo

Isang tarpaulin advertisement ng Coke Sakto.

antipasdelotavo-itaksapusonimangjua

“Itak sa Puso ni Mang Juan” ni Antipas Delotavo

coke cult

Coke advertisement na pininturahan ng graffiti.

 

 

 

PAN PIL 19 FINAL EXAM

PANGKALAHATANG PANUNTUNAN / INSTRUCTIONS:

A. Sagutin ang hinihiling ng bawat tanong. 100 points ang total. Nakalagay sa bawat numero ang puntos.

B. Sumagot sa wikang pinaka-komportable ka (Filipino man o English, o halo).

C. I-email ang inyong mga sagot hanggang May 27, 2016, Friday, 11:30pm sa sirmykelandrada@gmail.com. Ang mga late submission ay magkakaroon ng karampatang deduction.

D. I-email ang mga sagot bilang email na text, at HINDI bilang word o PDF document. Uulitin ko, i-email lang bilang text at HINDI bilang attachment.

E. Ilagay sa subject ng email ang PANGALAN – PAN PIL 19 FINAL EXAM. Halimbawa: MYKEL ANDRADA – PAN PIL 19 FINAL EXAM.

 

MGA TANONG:

1. Ano ang pagkakaiba ng SEX, GENDER at SEXUALITY? (5 points)

2. Panoorin ang “Bayan ng mga Kontraktwal” ng PinoyMedia Center. Narito ang link –> https://www.youtube.com/watch?v=P1Lc8a7w0H4 . Pagkapanood ay sagutin ang sumusunod batay sa pagsusuri mo sa dokumentaryo: A. Ano ang ibig sabihin ng kontraktwalisasyon? (5 points) B. May kinikilala bang kasarian o sekswalidad ang kontraktwalisasyon? Ipaliwanag. (5 points) C. Ano ang sinasabi ng dokumentaryo na solusyon sa problema ng kababaihang at ng mga manggagawa? (5 points)

3. Tingnan ang larawan / comic strip sa ibaba. Sagutin ang sumusunod: A. Ano o ano-ano ang (mga) ideolohiya sa larawang ito sa ibaba? Suriin at ipaliwanag. (5 points) B. Ano ang sinasabi nito tungkol sa kababaihan? (5 points) C. Tungkol sa kalalakihan? (5 points) D. Tungkol sa mga gay? (5 points) E. Liberative o mapagpalaya ba ang kaisipan nito? (5 points)

double-standard

4. Ano ang mali sa exam na ito (larawan sa ibaba)? Ipaliwanag kung ano ang dominanteng ideolohiya sa larawang ito. (10 points)

stereotype

Larawan mula sa Facebook share ni Lady Ann Salem.

5. Ano ang ibig sabihin ng terminong “diskurso” (discourse)? Ipaliwanag ang diskurso ng patriarkiya (5 points), kapitalismo (5 points) at scopophilia (10 points) sa larawang ito ni Kim Domingo bilang modelo / cover girl ng isang issue ng FHM.

Kim Domingo - FHM December 2015[7]

 

6. Basahin ang tula sa ibaba. Mula o batay sa punto de bista mo, batay sa pagkatao mo, batay sa karanasan mo, MAGSULAT NG ISANG TULA bilang REPLY / TUGON sa tula ni Joi Barrios. (15 points)

Ang pagiging babae ay pamumuhay sa panahon ng digma

ni Joi Barrios

Kapiling ko sa paglaki ang pangamba,
hindi ko tiyak ang bukas
na laging nakakawing
sa mga lalaki ng aking buhay:
ama, kapatid,
asawa, anak.
Kinatakutan ko ang pag-iisa.

Sa pagiging ina,
kaharap ko’y tagsalat.
Pagkat ang lupit ng digmaan
ay hindi lamang
sa paggulong ng mga ulo
sa pagguhit ng espada,
kundi sa unti-unting pagkaubos
ng pagkain sa hapag.
Ay, paano sabay na magpapasuso sa bunso
habang naghahanap ng maisusubo
sa panganay?

Walang sandaling
walang panganib.
Sa sariling tahanan,
ang pagsagot at pagsuway
ay pag-akit sa pananakit.
Sa lansangan,
ang paglalakad sa gabi’y
pag-aanyaya sa kapahamakan.

Sa aking lipunan,
ang pagtutol sa kaapiha’y
paglalantad sa higit na karahasan.

Kay tagal kong pinag-aralan
ang puno’t dulo
ng digmaan.
Sa huli’y naunawaan,
na ang pagiging babae
ay walang katapusang pakikibaka
para mabuhay at maging malaya.

7. Ano ang imperyalismo? (a) Ipaliwanag ang konsepto ng imperyalismo sa larawang ito nina Captain America at Wonder Woman. (b) Suriin ang mga detalye ng sangkap o elemento sa larawang ito. Paano nito ipinapakita ang imperyalismo? (c) Paano nirerepresenta ng imperyalista ang babae at lalaki sa larawang ito? (d) Ano ang usapin ng lahi, gender at uri sa larawang ito? (10 points)

captain america wonder woman 21

 

SAMPLE FINAL PAPERS AND SUBMISSION DETAILS

Here are two examples of a formatted final paper for our classes.

Paki-click lang ang mga link na ito para madownload o mabasa ang PDF versions ng dalawang final paper samples:

(1) Sample Paper 1 – Tsunami

(2) Sample Paper 2 – Toxic

Mag-submit via email ng inyong Final Paper na:

(1) hindi bababa sa apat na pahina (four pages), not including pictures,

(2) single-spaced,

(3) one inch margin all sides,

(4) Times New Roman font, 12 font size,

(5) saved as PDF.

(6) Sumulat sa wikang komportable ka (Filipino or English, o halo)

(7) I-email sa sirmykelandrada@gmail.com hanggang May 29, 2016 (Sunday), 11:30pm.

Salamat! 🙂