PI 100 FINAL EXAM

pi 100 temp

PANGKALAHATANG PANUNTUNAN / INSTRUCTIONS:

A. Sagutin ang hinihiling ng bawat tanong. 100 points ang total. Nakalagay sa bawat numero ang puntos.

B. Sumagot sa wikang pinaka-komportable ka (Filipino man o English, o halo).

C. I-email ang inyong mga sagot hanggang July 25, 2016, Monday, 11:30pm sa sirmykelandrada@gmail.com. Ang mga late submission ay magkakaroon ng karampatang deduction.

D. I-email ang mga sagot bilang email text, at HINDI bilang word o PDF document. Uulitin ko, i-email lang bilang text at HINDI bilang attachment.

E. Ilagay sa subject ng email ang PANGALAN – PI 100 FINAL EXAM. Halimbawa: MYKEL ANDRADA – PI 100 FINAL EXAM.

F. Salamat and God bless!:)

 

MGA TANONG:

1. Ano ang pagkakaiba ng kasaysayan at historiograpiya? Batay sa mga sanaysay na binasa sa klase, paano natin itutuwid (itatama, correct, rectify) Philippine history and historiography? (10 points)

 

2. Bakit sinabi ni Renato Constantino na “Limited Filipino” si Jose Rizal Ipaliwanag. Limitadong Pilipino ka rin ba tulad ni Rizal? Paano mo nasabi ito? Maging honest at ipaliwanag. (10 points)

 

3. FUTURISTIC RIZAL. Rizal “predicted” or “drew a picture” of Philippine life and society in his essay, “The Philippines A Century Hence.” Despite his being a “limited Filipino,” Rizal genuinely loved and served his country and our people. You maybe a present-day Jose Rizal. Write your own version of the Philippines a century from now. Limit your essay to around 500 words. (20 points)

kpl rizal

 

4. RIZAL BILANG IDOLO NG KABATAAN. Isa sa sinasabing idolo o ehemplo ng mga kabataan ay si Jose Rizal. Gumawa pa ng kanta si Francis Magalona na pinamagatang “Idol Ko Si Rizal”. SURIIN ang nasabing kanta gamit ang mga napag-aralan natin sa klase hinggil sa pagkabuo ng bayani at nasyonalismo. Magpokus sa konsepto ng (A) Hero Worship at (B) pananaw ng kanta hinggil sa rebolusyon. (20 points)

Maaaring pakinggan rito –> https://www.youtube.com/watch?v=NtfAlhZ6CSA at nasa ibaba ang lyrics:

IDOL KO SI RIZAL (ni Francis M)

May kuwento ako sa inyo
mga ‘tol, woh
Kuwento ng isang bayaning Pinoy, hoy
Makinig ka, dinggin
Jose ang kanyang pangalan
At nang siya’y barilin sa Bagumbayan
Nagising sa katotohanan ang ating bayan

Malaya, ‘di alipin
Mapayapa’t ‘di marahas
Kalayaan daw ay walang katumbas
Matapang, ‘di duwag
Bayani’t may dangal
Panulat ang pinairal ni Gat Jose Rizal

Kadugo, kakulay
kayumangging katulad ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko

Talino ang sandata nitong makata
Pintor, doktor at guro ng mga bata
Nasa Noli at nasa Fili
lumaban siya hanggang sa huli
Nasa Noli at nasa Fili
lumaban siya

Kaibigan, kapatid,
kababayan nating lahat
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko

Sana ako
Sana tayo
Tularan ng ating mundo
Tunay na bayani ang taong ito
Lumingon sa pinanggalingan
tumingin sa paparoonan
Mga bagong bayani ng ating bayan

Kadugo’t kakulay
kayumanggi, kaibigan
Kapatid at gabay
Bayani ang titulo

Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Jose
kasi siya’y bayani
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko
Idol ko si Rizal
si Rizal ang idol ko

Si Rizal ang idol ko
Si Rizal ang idol ko
Si Rizal ang idol
Rizal ang idol
Rizal ang idol ko!

 

5. SA MGA KABABAYANG SANG’GRE NG ENCANTADIA. Sumulat si Jose Rizal sa mga kababayang dalaga ng Malolos. Ikaw naman ang susulat ngayon. Sumulat ka ng liham para sa mga Sang’gre ng Encantadia. Malaya ka sa pagsusulat. Dalawa lamang ang hiling ko: (A) Tandaan na isang kaharian ang Encantadia at ang mga Sang’gre ay mga mandirigma na may iba-iba ideolohiya at politika, at (B) Isaisip na ang Encantadia ay ang Pilipinas. (20 points)

encantadia-costumes_8091B9DE18B6495CBF6323FC473F8111

 

6. Binanggit ni Andres Bonifacio at ng Katipunan ang mga halimaw (jalimao) noong panahon ng kolonyal na pananakop ng mga Kastila. Sa kasalukuyan, ipaliwanag isa-isa kung bakit ang Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo ang mga jalimao ng kasalukuyang malakolonyal at malapyudal na Pilipinas. (20 points)

ibp

 

MARAMING SALAMAT, ALL THE BEST AND GOD BLESS! 🙂

 

PI 100 SELFIE

PI 100 MIDYEAR 2016 CLASS SELFIE. Halos kumpleto ito. Yes, nagkasya tayo sa picture, hehe. Padayon! 🙂

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s