FIL 40 FINAL EXAM

Fil 40 Finals Temp

PANGKALAHATANG PANUNTUNAN / INSTRUCTIONS:

A. Sagutin ang hinihiling ng bawat tanong. 100 points ang total. Nakalagay sa bawat numero ang puntos.

B. Sumagot sa wikang pinaka-komportable ka (Filipino man o English, o halo).

C. I-email ang inyong mga sagot hanggang July 25, 2016, Monday, 11:30pm sa sirmykelandrada@gmail.com. Ang mga late submission ay magkakaroon ng karampatang deduction.

D. I-email ang mga sagot bilang email text, at HINDI bilang word o PDF document. Uulitin ko, i-email lang bilang text at HINDI bilang attachment.

E. Ilagay sa subject ng email ang PANGALAN – FIL 40 FINAL EXAM. Halimbawa: MYKEL ANDRADA – FIL 40 FINAL EXAM.

F. Salamat and God bless! 🙂

 

MGA TANONG:

1. Ano-ano ang pagkakaiba ng tatlong dimension ng wika: IDIOLECT, DIALECT AT SOCIOLECT? (5 points)

2. Ipaliwanag ang THREE LEVELS OF READING A TEXT. (5 points)

3. Sa READER RESPONSE THEORY, bakit sinasabing makapangyarihan ang mambabasa? Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa. (10 points)

4. POLITIKA NG WIKA AYON KAY VALENTIN VOLOSINOV

A. Gamit ang napag-aralan natin, ipaliwanag ang teorya ng politika ng wika ni Valentin Volosinov. (5 points)

B. Suriin ang editorial cartoon na ito gamit ang teorya sa politika ng wika ni Volosinov. (15 points)

 

5. Suriin ang larawan na ito ng mga Sang’gre ng Encantadia 2016 ng GMA 7 batay sa mga konteksto ng kasarian, politika, lahi, kultura at kasaysayan. Tandaan na ito ay isang fantaseryeng Pilipino. (20 points)

encantadia-sanggres1

 

6. KAPANGYARIHAN NG BISWAL NA WIKA (VISUAL LANGUAGE). Sumulat ng sariling tula (Filipino, English o sa inyong wikang rehiyonal, basta lagyan ng translation sa Filipino o English) gamit na inspirasyon ang larawan sa ibaba. HUWAG KALIMUTANG LAGYAN NG PAMAGAT ang iyong tula. Ito ay mural sa BGC (Bonifacio Global City) na pinamagatang “Magsasaka” nina Archie Oclos at Aleili Ariola Oclos. (20 points)

13737734_10207015190083069_6599435056042735880_o

“MAGSASAKA.” Larawan ng mural mula kina Archie Oclos at Aleili Ariola Oclos. May 2016.

 

7. KUWENTO. Sumulat ng isang maikling kuwento / short story gamit ang mga tauhang may pangalan na “Ideolohiya,” “Wika,” “Politika” at “Lipunan.” Sila ang magiging mga tauhan mo. Ang haba ng kuwento? Approximately 500 words. Kung gusto mong magdagdag ng iba pang tauhan ay okay lang. Ikaw ang bahala kung anong wika ang gagamitin mo. Kung magpasiya ka na sumulat sa wika ng iyong rehiyon, na ine-encourage ko, magsama lang ng translation. (20 points)

 

ALL THE BEST AND GOD BLESS! 🙂

FIL 40 SELFIE

FIL 40 MIDYEAR 2016 SELFIE. Umalis na kasi ang iba kaya hindi kumpleto. Pero hindi ko kayo makakalimutan! All the best and God bless! 🙂

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s