Fil 40, Pan Pil 101, Pan Pil 12, Pan Pil 17 & PI 100 – Activity

Hi sa lahat! 🙂 Narito ang link ng video na panonooring ninyo. Narito rin ang guide questions. Ilagay ang inyong mga sagot sa bond paper at isumite sa susunod na Martes, September 16, 2014 (para sa Fil 40 at Pan Pil 101) at September 17, Miyerkules (para sa Pan Pil 12, Pan Pil 17 at PI 100). Maraming salamat! 🙂

Panoorin ang dokumentaryong “Eskinita Episode 4: Bagyong Yolanda, Bagyong Gobyerno” –> http://www.youtube.com/watch?v=G-443MiqmtQ

GUIDE QUESTIONS: Sagutin ang sumusunod upang makita ang masalimuot na ugnayan ng politika at ekonomiya. Hindi lahat ng impormasyon ay nasa dokumentaryo. Magsaliksik.

1. Ano ang depinisyon o kahulugan ng salitang “bagyo”?

2. Sa sistema ng pagpapangalan sa mga bagyo noon, dati’y puro babae ang pangalan na ibinibigay sa mga bagyo sa Pilipinas. Bakit pinalitan ang sistemang ito?

3. Ano ang ginagawa mo noong paparating na ang Bagyong Yolanda sa Pilipinas?

4. Naging handa ba ang ating gobyerno para sa pagdating ng pinakamalakas na bagyong si Yolanda? Ipaliwanag ang sagot.

5. Nakaahon na ba mula sa trahedya ang mga nasalanta ng Bagyong Yolanda? Ano-ano ang ginagawa ng mamamayan para makaahon mula sa trahedya?

6. Ayon sa dokumentaryo, ano-ano ang dahilan kung bakit ganoon kalaki ang pinsala / trahedya na idinulot ng Bagyong Yolanda? Ano ang kinalaman ng gobyerno at ng pribatisasyon sa trahedya ng Bagyong Yolanda?

7. Magsaliksik hinggil sa P2.8 milyon halaga ng relief goods para sa Yolanda survivors na hindi napakinabangan dahil sa Department of Social Work and Development (DSWD). Hindi NAIPAMIGAY o hindi IPINAMIGAY ang naturang mga relief goods? Ipaliwanag ang sagot.

8. Gaano kahalaga ang pagtatayo ng organisasyon para sa pag-ahon mula sa trahedya ng Yolanda? Bakit PEOPLE SURGE ang pangalan ng kanilang grupo?

9. Bakit “Bagyong Gobyerno” ang tawag sa gobyerno ni Pang. BS Aquino III? Ipaliwanag.

10. Ayon sa dokumentaryo, ano ang kailangang gawin para tunay na matugunan at makasulong ang mga mamamayan at bansa mula sa Bagyong Yolanda / Bagyong Gobyerno?

Salamat! 🙂